‘Quality not quantity’ sa mga nahuhuli sa droga

MANILA, Philippines — Dapat pagtuunan ng mga law enforcement agency ang paghuli sa mga bigtime drug manufacturer at hindi sa mga maliliit na drug suspect.
Ito naman ang sinabi ni Sandiganbayan Associate Justice Karl Miranda kung saan sinabi nito na makatutulong din sa jail congestion sa mga pasilidad ng Bureau of Jail and Penology.
Paliwanag ni Miranda, dapat alisin na ang target at quota sa pag-aresto na ginagawang batayan sa promotion ng isang opisyal upang mapagtuunan ng pansin ang paghuli sa mga big time drug personality.
Pero, nilinaw niya na hindi ibig sabihin ay hindi na huhulihin ang mga small time personality dahil mga nagkasala pa rin sila sa batas.
Layon lamang nito na putulin ang pinaka ugat ng problema sa iligal na droga sa bansa.
Lumilitaw sa datos ng Sandiganbayan na 70% ng 122,000 Persons Deprived of Liberty na nakakulong sa buong bansa ay drug related cases at 107 lamang ang mga nahuling drug manufacturer.
- Latest