Pangulong Marcos biyaheng Dubai, dadalo sa COP28
MANILA, Philippines — Magtutungo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Dubai ngayong Huwebes para lumahok sa 28th Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP28) na gaganapin mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 2.
Matatandaang inimbitahan ni UAE Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Salem Alqataam Al-Zaabi si Marcos na dumalo sa COP28 sa kanyang courtesy visit sa Pangulo sa Malacañang noong Hunyo 13, 2023.
Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng COP28 sa pagtukoy sa Pilipinas bilang isa sa mga pinaka-vulnerable na bansa sa epekto ng climate change sa mundo.
“And so, we must do our part here in the Philippines,” pahayag ni Marcos.
Ayon pa sa Pangulo, hindi lamang ang gobyerno ang may tungkulin sa climate change mitigation kundi ang bawat isang Filipino.
- Latest