^

Bansa

Medical Cannabis bill lusot sa House panel

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakalusot sa pagsusuri ng technical working group (TWG) ng House of Representatives ang medical cannabis bill na layong gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang medisina.

Sinabi ni Leyte Rep. Richard I. Gomez, vice chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na na-consolidate na ng TWG na pinamumunuan niya ang House Bill No. 6783 at ngayon ay handa nang isumite ang pinal na bersyon sa mother committee.

“Ako po ay natutuwa na dito sa level namin sa technical working group ay naipasa na namin ang medical cannabis bill. Consolidated na ito, for approval na ng committee,” saad ni Gomez.

Sa oras na ma-adopt ang bersyon ng TWG ng komite na pinamumunuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, maaari nang isponsoran ito sa plenaryo para maaprubahan ng Kamara.

“May counterpart bill ito sa Senate. Hopefully magtugma ‘yung sa Senate bill at ‘yung ginawa namin dito sa TWG,” ayon pa kay Gomez.

Tinutukoy ni Gomez ang hiwalay na bill na inihain naman ni Senador Robin Padilla sa Senado na nais gawing legal din ang marijuana at ma-regulate bilang gamit medikal.

Sa mga naganap na pagdinig sa Kongreso, nagsuhestiyon ang Department of Health na kailangan na nasa “pharmaceutical form” na ang cannabis at hindi sa “plant form” nito para matiyak na hindi ito maaabuso.

Suportado rin umano ng Philippine Drug Enforcement Agency at ng Dangerous Drugs Board ang paggamit ng cannabis para sa medical purposes.

vuukle comment

MEDICAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with