^

Bansa

Pinay na missing sa Israel, pinakawalan ng Hamas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakalaya na mula sa kamay ng miltanteng grupong Hamas ng Palestine ang isa pang Filipino na bihag na si Noralyn Babadilla.

Ang paglaya ni Babadilla ay inihayag ni ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang opisyal na X (da­ting Twitter) account nitong Miyerkules.

“Just days after expressing concern for Noralyn Babadilla’s whereabouts, I am very happy to announce that Noralyn is safely back in Israel, becoming the second Filipino released from Gaza,” ani Marcos.

Sa paglaya ni Babadilla, sinabi ni Marcos na “lahat ng Pilipinong naapektuhan ng digmaan ay naitala na.”

“All Filipinos affected by the war have been accounted for.”

Inatasan na rin ni Marcos ang embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv na ibigay ang lahat ng kailangan ni Babadila at makipag-ugnayan sa mga awtoridad.

Pinasalamatan ng ­Pangulo ang mga awtoridad sa Israel na naging susi sa paglaya ni Babadilla.

Maging ang pamahalaan ng Egypt at Qatar ay pinasalamatan ni Marcos dahil sa mahalagang papel na ginampanan bilang tagapamagitan sa pagpapalaya sa mga bihag.

Una nang inanunsyo ni Marcos na nakalaya na sa Hamas ang isa pang Filipino na si Gelienor “Jimmy” Pacheco.

vuukle comment

MISSING

PINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with