‘Outstanding service’ ni Bong Go, kinilala ng Fraternal Order of Eagles
MANILA, Philippines — Ginawaran ng Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles, Inc. si Senador Christopher “Bong” Go ng Philippine Eagles Outstanding Service Award sa ika-43 National Assembly at 44th National Congress nito sa okasyong ginanap sa The Tent sa Vista Global South, Las Piñas City noong Linggo.
Partikular na pinuri ng Fraternal Order of Eagles si Go sa kanyang “steadfast dedication to community collaboration” at sa “tirelessly providing crucial services and unwavering support” sa komunidad.
Sinabi ng Eagles na ang “walang pag-iimbot na mga gawang kabutihan” ni Go ang siyang tunay na esensya ng kapatiran, nagbibigay ng init at pag-asa sa marami, at nagtataglay ng tunay na diwa ng “Alalayang Agila.”
Sa kanyang video message, pinasalamatan ni Go ang organisasyon sa pagsasabing “Your recognition of my service through the Philippine Eagles Outstanding Service Award is a great honor for me.”
“Salamat sa aking mga kapwa kuya at ate na bumubuo ng Fraternal Order of Eagles. Ang pagkilalang ito ay patunay na kapag inuna natin ang interes at kapakanan ng ating kapwa, hinding-hindi tayo magkakamali,” ani Go.
“However, as I’ve said, with or without an award or recognition, I will continue to serve my fellow Filipinos. Tutulong ako sa abot ng aking makakaya lalo na sa mga mahihirap nating kababayan. Bilang kaisa ng inyong organisasyon, ipagpatuloy natin ang pagseserbisyo at pagmamalasakit sa ating mga kapwa na nangangailangan,” dagdag ng senador.
Si Go, na kinatawan ni Victor Neri sa okasyon, ay pinuri ang kanyang mga kapwa miyembro ng Fraternal Order of Eagles sa kanilang kahanga-hangang 43 taong serbisyo sa komunidad.
- Latest