Zubiri: Pagbalik ng Pinas sa ICC, desisyon ni Pangulong Marcos ‘di ng Senado

MANILA, Philippines — Nasa desisyon umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung muling papasok o hindi ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC) at hindi sa mga Senador.

Ito ang nilinaw ni Senate President Juan Miguel Zubiri matapos ang pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na kailangan munang pumayag ng Senado bago muling mapasok sa ICC ang Pilipinas.

Paliwanag pa ni Zubiri, ang Pangulo ang dapat magdesisyon dito bilang Chief Foreign policy maker ng bansa.

“Whether to re-enter or to remain out of the jurisdiction of the ICC is not a decision we the Senators make. It is the decision of the President of the Republic being the Chief foreign policy maker of our country,” giit pa ng Senate President.

Tanging si Marcos lang umano ang dapat magdesisyon at lahat ay ingay lang dapat tayong muling pumasok o hindi sa ICC.

Kaya ayaw din umanong magkomento ni Zubiri tungkol dito dahil dapat ay hintayin na lamang muna ang desisyon ni PBBM tungkol dito.

Show comments