Pangulong Marcos pinuri ng MNLF sa amnestiya

President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. delivered his arrival statement upon his return from his participation at the 30th APEC Summit in San Francisco and working visits to Los Angeles, California and Honolulu, Hawaii, at the Maharlika Presidential Hangar, Villamor Air Base, Pasay City on November 20, 2023.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Pinuri si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa pagpapalabas ng Proclamation No.406 na nagbibigay ng amnestiya sa mga miyembro nito na nagnanais na bumalik sa batas.

Sa isang pahayag, sinabi ni Office of Deputy Speaker Ustadz Abdulkarim Tan Misuari na ang Proclamation No. 406 ni Pangulong Marcos ay isang matapang na hakbang, na nagpapakita ng kanyang pangako tungo sa pagkakaisa, kapayapaan at pagkakasundo.

“Extending amnesty to the members of the MNLF by issuing Proclamation No. 406, dated November 22, 2023, President Marcos, Jr. has displayed his genuine desire to heal the wounds of the past and foster brotherhood,” ani Misuari.

Idinagdag niya na ang proclamation amnesty ay “nagsisilbi rin bilang isang makabuluhang hakbang tungo sa pambansang pagkakaisa, at nagtataguyod ng isang mapayapa at isang mas inklusibong bansa.”

“Furthermore, by choosing amnesty, the President showcases his sincerity and foresight, recognizing that dialogue and negotiation are keys to resolving conflicts with those who once stood against the government,” pahayag ni Misuari.

Sinabi rin ni Misuari na ang desisyon ni Pa­ngulong Marcos ay hindi lamang sumusuporta sa muling pagsasama-sama ng mga miyembro ng MNLF sa lipunan, kundi nagpapahintulot din sa kanila na mag-ambag sa pagbuo ng bansa.

Inilabas ni Marcos ang proklamasyon noong Nobyembre 22, na nagbibigay ng amnestiya sa mga mi­yembro ng MNLF na nakagawa ng mga pagkakasala na may parusa sa ilalim ng Revised Penal Code at mga special penal laws.

Binanggit ng Pangulo na ang pagbibigay ng amnestiya sa mga mi­yembro ng MNLF ay magiging daan sa kapayapaan at pagkakasundo.

Show comments