Buhay ng 41% Pinoy ‘di nagbago - SWS

Commuters waiting for rides are seen along Taft Avenue, Manila on November 22, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Wala umanong na­ging pagbabago sa kalidad ng buhay ng karamihan ng mga Pinoy sa bansa, sa nakalipas na taon.

Ito ang resulta ng isang non-commissioned survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre 28 hanggang Oktubre 1, 2023.

Batay pa sa naturang survey, nasa 41% ng mga Pinoy ang ikinategorya bilang ‘unchanged’, o walang naganap na pagbabago sa kalidad ng kanilang pamumuhay, sa nakalipas na 12-buwan.

Nasa 30% naman ang mga Pinoy na nagsabi na lumala pa ang pamumuhay o tinaguriang ‘losers.’

Samantala, 28% naman ang mga Pinoy na naging ‘gainers’ o nagsabing naging mas maganda ang kanilang pamumuhay kumpara noong nakaraang taon.

Nabatid na ang September score ay 13 puntos na mas mababa kumpara sa very high na +11 noong Hunyo 2023 at nasa pinakamababa simula sa -2 noong Hunyo 2022.

Ang naturang survey ay isinagawa ng SWS sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa may 1,200 adults nationwide.

Show comments