Nakalayang OFW sa Hamas, tatanggap ng lifetime benefits sa Israel government
MANILA, Philippines — Tatanggap ng habambuhay na benepisyo mula sa gobyerno ng Israel ang OFW na si Gelienor “Jimmy” Pacheco na kabilang sa mga pinalaya ng Hamas terror group.
Inihayag ito ni Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr. sa kanyang social media page nitong Linggo matapos bisitahin ni Israel Foreign Minister Eli Cohen si Pacheco sa ospital.
Ayon kay Laylo, tatanggap si Pacheco at pamilya nito ng habambuhay na social security benefits at regular stipends gaya ng ibinibigay sa mga Israeli na biktima ng terrorist attacks.
“The Israeli government will provide Jimmy and his immediate family lifetime social security benefits and regular stipends similar to those given to Israelis who are victims of terrorist attacks,” ani Laylo.
Si Pacheco ay isang caregiver sa Israel at kasama sa 24 na hinostage ng Hamas terror group nang atakehin ang isang bahagi ng Israel noong October 7, 2023.
Sinuwerteng napabilang si Pacheco sa unang batch ng hostages na pinalaya ng Hamas matapos magkasundo ang Israel at Hamas na pansamantalang ititigil ang bakbakan sa Gaza.
- Latest