MANILA, Philippines — Pangungunahan ngayon (Nobyembre 26) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Nationwide Gift-Giving Day, “Balik Sigla, Bigay Saya” program sa Kalayaan Grounds sa Malacañang.
Ito na ang ikalawang taon na mamamahagi ang Pangulo ng regalo sa mga bata.
Ayon sa Office of the President Social Secretary’s Office, nasa 17,000 bata mula sa mga piling shelters at orphan care centers mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang magiging special guests sa gift giving.
Magsasagawa naman ng sabayang gift giving ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at President’s private support groups sa 250 lugar sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ang Cebu ang may pinakamalaking participating centers na aabot sa 449 bata ang bibigyan ng pamasko sa Cebu Technological University.
Nasa 600 mga bata naman ang tatanggap ng regalo sa University of Mindanao sa Matina Campus, Davao del Sur.