Panguong Marcos tiniyak na maayos ang kalusugan
MANILA, Philippines — Pinawi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangamba ng publiko nitong Biyernes tungkol sa kanyang kalusugan matapos siyang hindi makadalo sa 31st Annual Meeting ng Asia-Pacific Parliamentary Forum nitong Huwebes ng gabi.
Sinabi ni Marcos na hindi pa siya nakaka-recover sa biyahe at bagaman at kailangan niya ng pahinga ay maayos ang kanyang kalagayan.
“I, basically, just ran out of steam yesterday. Hindi pa ako nakapag-recover sa biyahe. I suppose I just needed rest. I’m fine now. Thank you for concern,” ani Marcos matapos matanong kung bakit siya hindi nakadalo sa Palace dinner.
Dumalo si Marcos nitong Biyernes sa inagurasyon ng Healthway Cancer Care Hospital (HCCH) sa Taguig City.
Si Marcos ang dapat nag-host ng isang dinner reception para sa 31st Annual Meeting ng Asia-Pacific Parliamentary Forum sa Malacañang kung saan ang kanyang talumpati ay binigkas ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Naroon sa okasyon sina Speaker Romualdez, Senate President Juan Miguel Zubiri, iba pang mambabatas, parliament members mula sa 19 na bansa, pati na rin ang mga ambassador at Charge d’Affaires.
Dumating ang Pangulo nitong Lunes ng gabi mula sa isang 6 na araw na biyahe sa Estados Unidos, kung saan dumalo siya sa 30th APEC Leaders’ Meeting sa San Francisco, California, na sinundan ng mga pagbisita sa Los Angeles at Honolulu, Hawaii.
Nitong Huwebes, bumiyahe si Marcos sa Eastern Visayas at General Santos City upang suriin ang pinsala ng baha sa Visayas region at ang 6.8 magnitude na lindol na tumama sa Soccsksargen noong Nobyembre 17.
- Latest