MANILA, Philippines — Pirmado na ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang isang executive order at ilang proklamasyon para magawaran ng amnesty ang mga rebelde upang mahikayat silang magbalik-loob sa gobyerno.
Ito ang ibinahagi ng Malacañang nitong Huwebes matapos lagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Order 47 noong ika-22 ng Nobyembre.
Related Stories
Inamyendahan nito ang mga dating function ng National Amnesty Commission para ma-proseso ang applications for amnesty sa ilalim ng mga bagong proklamasyon.
"There is hereby created the National Amnesty Commission, hereinafter referred to as the Commission, which shall be primarily tasked with receiving and processing applications for amnesty and determining whether the applicants are entitled to amnesty under Proclamation Nos. 403, 404, 405 and 406," wika ng EO ni Marcos Jr.
Patuloy na iirial ang komisyon sa ilalim ng EO 125 at lulusawin lang oras na makumpleto nito ang mandato nito batay sa pagtataya ng presidente.
Tumutukoy ang amnesty sa kautusan ng gobyerno na i-"pardon" ang malaking grupo ng mga indibidwal. Madalas itong gawin para sa mga taong gumawa ng political offenses laban sa estado.
Mga karagdagang proklamasyon ni Bongbong
Kabilang sa mga binibigyan ng amnestiya ng Proclamation 403 ni Marcos Jr. ang mga miyembro ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB) na gumawa ng krimeng pinarurusahan sa ilalim ng Revised Penal Code at special penal laws, lalo na 'yung mga krimeng nagagawa sa pagsusulong ng paniniwalang pulitikal.
Hindi nito sakop ang mga krimen gaya ng:
- kidnap for ransom
- massacre
- rape
- terorismo
- crimes committed against chastity sa ilalim ng "Revised Penal Code"
- krimeng ginawa para sa personal ends
- paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act 9165)
- grave violations sa ilalim ng Geneva Convention of 1949
- genocide, crimes against humanity, war crimes, torture, enforced disappearances, atbp. matinding paglabag ng karapatang pantao
Inilabas din ni Marcos ang Proclamation 404 na magbibigay ng amnestiya para sa mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na gumawa ng krimeng pinarurusahan sa ilalim ng RPC at Special Penal laws kaugnay ng pagsusulong ng paniniwalang pulitikal.
Saklaw ng amnestiyang ibibigay sa mga dating CPP-NPA-NDF members o mga "front organizations" ang mga krimen gaya ng:
- rebelyon o insureksyon
- conspiracy and proposal to commit rebellion or insurrection
- disloyalty of public officers or employees
- inciting to rebellion or insurrection
- sedition
- conspiracy to commit sedition
- inciting to sedition
- illegal assembly illegal association
- direct assault
- indirect assault
- resistance and disobedience to a person in authority or the agents of such person
- tumults and other disturbances of public order
- unlawful use of means of publication and unlawful utterances
- alarms and scandals
- illegal possession of firearms, ammunition or explosives
- charged, detained or convicted of common crimes but who can establish by substantial evidence that they have actually committed said crimes in pursuit of political beliefs
Naglabas din ng Proclamation 405 at 406 para sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) pagdating sa mga nakagawa ng krimeng pinarurusahan sa ilalim ng Revised Penal Ocde at Special Penal Laws para sa pagsusulong ng kanilang paniniwala.
Una nang sinabi ng mga miyembro ng NPA sa southern Tagalog na tatanggihan nila ang alok na amnestiya ni Bongbong, at sa halip ipagpapatuloy nila ang pagrerebolusyon upang ibagsak ang imperyalismo, burukrata kapitalismo at piyudalismo patungo sa pagtatag ng sosyalistang lipunan.