^

Bansa

Joint patrol ng Pinas, US sa West Philippine Sea umarangkada na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Joint patrol ng Pinas, US sa West Philippine Sea umarangkada na
An aerial view taken on March 9, 2023 shows vessels identified by the Philippine Coast Guard as Chinese maritime militia vessels near Thitu Island in the South China Sea. As a Philippine Coast Guard plane carrying journalists flew over the Spratly Islands in the hotly disputed South China Sea, a Chinese voice issued a stern command over the radio: "Leave immediately."
AFP / Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Sinimulan na kahapon ng Pilipinas at Amerika ang pagsasagawa ng joint patrols sa West Philippine Sea.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., magkasama na ngayong nagpapatrolya sa karagatan at himpapawid ng bansa ang pwersa ng Armed Forces of the ­Philippines at United States-Indo Pacific Command sa West Philippine Sea.

“Today marks the beginning of joint maritime and air patrols — a collaborative effort between the Armed Forces of the Philippines and the United States Indo-Pacific Command in the West Philippine Sea,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ang tatlong araw na pinagsamang aktibidad ay naglalayong palakasin ang interoperability ng parehong pwersang militar sa pagsasagawa ng pagpapatrolya.

Sinabi pa ni Marcos na ang joint patrols ay bahagi ng serye ng mga aktibidad na napagkasunduan ng Mutual Defense Board - Security Engagement Board ng parehong bansa.

Magpapatuloy ang joint maritime and air patrols hanggang ngayong Huwebes.

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with