^

Bansa

APEC Summit matagumpay – Pangulong Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
APEC Summit matagumpay – Pangulong Marcos
We captured a moment of unity in a memorable group photo with our APEC family!
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Estados Unidos sa matagumpay nitong pamumuno sa katatapos na 30th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting at mga kaugnay na aktibidad sa San Francisco, California.

“Pinupuri ko ang pagiging chairman at ang pagho-host ng APEC 2023 ng US dahil nakapagbigay sila sa amin ng isang forum kung saan maraming mahalagang gawain ang ginawa nitong nakaraang dalawang araw,” sinabi ni Pangulong Marcos sa Malacañang Press Corp sa panahon ng Kapihan kasama ang Media sa San Francisco.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang APEC Summit “ay isang napakatagumpay na pagpupulong” dahil ito ay nilahukan ng marami sa mga pangunahing pinuno ng ekonomiya habang “mayroong isang kapansin-pansing pagsang-ayon sa pagitan ng iba’t ibang mga bansa.”

Sinabi ng punong ehekutibo na napag-usapan nila ang ilang mga paksa sa pagpupulong.

“Nag-usap kami tungkol sa pagbabago ng klima. Napag-usapan namin ang tungkol sa AI. Pinag-usapan natin ang food security, energy security, at kung ano ang bawat isa sa atin – kung ano ang bahagi ng bawat isa sa atin sa pagharap sa mga hamon na idinulot sa atin ng bagong ekonomiya,” sabi ng Pangulo.

Bago matapos ang tatlong araw na APEC Summit, sinabi ni Pangulong Marcos na nagkaroon siya ng bilateral na pagpupulong kay Peruvian President Dina Boluarte kung saan tinalakay nila ang maraming paksa, kabilang ang kanilang pagtanggap na maging host ng APEC Summit sa susunod na taon.

vuukle comment

APEC

ECONOMIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with