^

Bansa

16-anyos patay sa bugbog ng pamilya ng nobya

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
16-anyos patay sa bugbog ng pamilya ng nobya
Kinilala ni Rodriguez Police Station chief, PLt. Col. Arnulfo Selencio ang biktima na si Ronald John Delgado ng nasabing lalawigan.
STAR / File

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang pinatay sa bugbog at sakal ang isang 16-anyos na estudyante ng pamilya ng kanyang nobya na tutol sa kanya bilang nobyo nito sa Rodriguez, Rizal.

Kinilala ni Rodriguez Police Station chief, PLt. Col. Arnulfo Selencio ang biktima na si Ronald John Delgado ng nasabing lalawigan.

Ayon kay Selencio, base sa death certificate ni Delgado, pinatay siya sa sakal bukod pa sa pagpapahirap na maaaring pinagtulungang bugbugin dahil sa mga inabot na pasa sa mukha at katawan nito.

Batay sa imbestigasyon, Oktubre 29 nang magpaalam ang biktima na gagawa ng school project kasama ang girlfriend na kanya ring kaklase. Subalit hindi na nakauwi ang biktima hanggang sa matagpuan siyang nakagapos at bangkay na sa madamo at tabing kalsada sa Sitio Calumpit, Barangay Macabud, Rodriguez, Rizal.

Ayon sa ina ng biktima na si Racquel, kita ang pahirap at bugbog sa katawan ng kanyang anak.

“Sobrang sakit, ang sakit-sakit, kasi nag-iisa kong anak na lalaki ‘yan e. Kung namatay lang ‘yan sa sakit, okay lang. Pero ‘yung ginawa, karumal-dumal. Sinakal siya, binugbog, pasa-pasa ‘yung mukha,” ani Raquel.

Pinuntahan ni Racquel at mga pulis ang bahay ng nobya ng anak subalit naka-padlock na ito at wala nang nakatira.

“Sarado na ang bahay, naka-padlock na, wala na. Tatlong pamilya sila na naka-padlock na, wala na,” dagdag ni Raquel.

Sa pagtatanong ng pulisya, nabatid na “ipinagkasundo” ng pamilya na ang nobya ng biktima sa iba at malapit na umanong ikasal. Posibleng nais na paghiwalayin ang biktima at nobya nito.

“Ang nakikita po motibo dito po sa pagpatay sa ating biktima ay galit. Ito po biktima ay meron girlfriend, na minor. Base sa salaysay ng mga witnesses ay nalaman ang kanyang pakikipagrelasyon sa ­ating biktima,” ani P/Capt. Marisol Tactaquin, Public Information Office chief ng Rizal Provincial Police Office.

Bago raw matagpuang patay si Ronald, nakapag-chat din daw ang girlfriend nito sa kanilang mga kaibigan at sinabing sunduin si Ronald sa kanilang bahay dahil may problema.

Nakiusap umano ang nobya sa mga kaibigan na puntahan sa kanilang bahay ang biktima dahil nahuli sila ng kapatid nito at baka bugbugin.

Sinampahan na ng kasong murder ang nobya at pamilya nito.

RIZAL

RODRIGUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with