MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nakatanggap ito ng ulat na nakompromiso at nagkaroon ng "COVID-19 vaccination data leak" mula sa Pilipinas, bagay na hawak ng World Health Organization.
Ibinahagi ng DOH ang naturang ulat ngayong Martes matapos ang sunud-sunod na cybersecurity attacks na nakaharap ng gobyerno nitong mga nagdaang buwan.
Related Stories
"In response, the DOH is currently in close coordination with WHO and the Department of Information and Communications Technology (DICT) to ascertain the veracity of this report, as well as to determine the extent of any possible data breaches and the appropriate interventions, should there be any," wika ng kagawaran.
"The DOH will release additional information as soon as they become available."
Umabot na sa 177.37 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa Pilipinas simula nang igulong ito sa bansa noong Marso 2021.
Sinasabing 78.44 milyon na ang nakakumpleto ng doses nito sa bansa habang 23.81 milyong booster doses naman ang naibigay na.
Bukod sa pangalan, karaniwang datos na hawak ng DOH patungkol sa nabakunahan ay ang araw ng kapanganakan, tirahan, contact details, brand ng bakuna at mga petsa kung kailan ito ibinigay.
"In the meantime, the DOH assures the public that measures are in place to ensure data privacy, and steps have been taken to reinforce the security of DOH-managed data systems through different security solutions," dagdag pa ng DOH.
"Additionally, in light of the recent hacking incidents and data breaches, the DOH calls on the public to remain vigilant and to take steps to secure their digital information."
Kamakailan lang nang maging problema ng PhilHealth, Philippine Statistics Authority, House of Representatives atbp. ang hacking dahilan para mangamba ang marami sa pagkalat ng kanilang mga persona na impormasyon.
Matatandaang nagkasa ng malawakang vaccination program ang gobyerno laban sa COVID-19, bagay na tumama na sa 4.12 milyong katao sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, umabot na sa 66,476 ang namamatay.