^

Bansa

Parusa sa ’di magbebenta ng half rice, itinulak sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Parusa sa ’di magbebenta ng half rice, itinulak sa Kamara
A store retailer displays rice and their prices in accordance with the nationwide implementation of the new price caps on rice on September 5, 2023.
Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Isinusulong sa Kamara na gawing mandatory ang paglalagay ng half-rice sa menu ng mga food establishments at parusahan ang mga hindi susunod dito.

Sa Anti-Rice Wastage Act (House Bill 9510) na inihain ni Quezon Rep. Keith Micah Tan, papatawan ng parusa ang mga kainan na hindi magbebenta ng half-rice.

Ang panukala ay orihinal na inihain ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., noong siya ay senador pa lamang. Isinulong naman ito ng ina ng mambabatas na si Quezon Gov. Helen Tan noong ito ay miyembro ng Kongreso.

Layunin ng panukala na mabawasan ang natatapong kanin sa mga restaurant, commissary, ca­feteria, cafe, lunchroom, bistro, fast food establishment at mga katulad na kainan.

“Hindi naman po natin pagbabawalan ang “unli rice” o paparusahan ‘yun hindi makakaubos ng kanin sa kanilang buffet. Ang nais lang po natin ay makatulong upang hindi maaksaya ang bigas na itinuturing natin na ginto at upang bigyang pansin ang kapakanan ng ating mga magsasaka at isulong na rin ang kalusugan ng bawat mamamayan,” sabi ni Tan.

Sa ilalim ng panukala, ang one-half cup ng kanin ay dapat ilagay sa menu. Ang hindi susunod ay pagmumultahin ng P5,000 sa unang paglabag, P10,000 sa ikalawa, at P20,000 at suspensyon ng lisensya o permit to operate ng hindi bababa ng 30 araw sa ikatlo at mga susunod pang paglabag.

Ayon pa kay Tan, House Assistant Majority leader, ang panukala ay bilang tugon sa panawagan ng Department of Agriculture (DA) sa mga food businesses na isama ang half cup of rice sa kanilang menu.

FOOD

RICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with