MANILA, Philippines — Ilalayo sa politika ng revised Implementing Rules and Regulations (IRR) ang Maharlika Investment Fund (MIF).
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na ang hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay para pagandahin din ang corporate governance at masiguro na ang MIF ay mapapangasiwaan ng may transparency at accountability.
Kasabay nito pinuri rin ni Romualdez si Marcos, dahil sa commitment nito ang palakasin ang independence ng Board of Directors ng Maharlika Investment corporation.
“The autonomy of the MIC Board allows for more objective and effective decision-making, free from undue political influence,” ayon kay Speaker Romualdez.
Samantala, matapos na ilabas at ilathala sa iba’t ibang platforms ng Office of the President (OP), umani ng suporta ang revised IRR ng MIF.
Idinagdag pa ng House Speaker na ang final IRR ay ipinakilala ng pangulo, nilinaw ang discretionary powers ng Board habang tinitiyak ang pagsunod nito sa batas at naka-align sa socioeconomic development program ng bansa.
Sinigundahan naman ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang pahayag ni Romualdez at pinapurihan si Pangulong Marcos at ang maalab na suporta para maipatupad na ang MIF sa pamamagitan ng IRR.
Idinagdag pa ni Pangandaman na umaasa siya sa kasiguruhan ng Pangulo na ang MIC board ay mabibigyan ng kalayaan para pangasiwaan ang pondo ng walang anumang political interventions na makakahadlang sa pagpapatupad at tungkulin nito.
Nagpahayag din ng suporta si Presidential Adviser for Investment and Economic Affairs Raphael DC Consing Jr. sa revised IRR ng MIF dahil pinapayagan nito ang board para madetermina ang optimal composition, qualifications at reporting requirements ng MIC’s Audit Committee and Risk Management Committee.
Ang MIC Board ay binubuo ng siyam na miyembro tulad ng Secretary of Finance bilang Chairperson na ex-officio capacity, President and Chief Executive Officer (PCEO) bilang MIC Vice Chairperson, President and CEO ng Land Bank of the Philippines, President and CEO ng Development Bank of the Philippines at tatlong Independent Directors mula sa pribadong sektor.