^

Bansa

Planong half-rice law binansagang 'out of touch' ng mga magsasaka

James Relativo - Philstar.com
Planong half-rice law binansagang 'out of touch' ng mga magsasaka
This June 15, 2020, photo shows health protocols being implemented at a restaurant and mall in Quezon City during the first day of allowing dine-in services amid the coronavirus pandemic.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Imbis na makatulong, hindi raw masasapul ng planong "half rice" law ng gobyerno ang taunang pagkasayang ng nasa P7.2 bilyong halaga ng kanin, sabi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

Itinutulak kasi ngayon ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ang panukalang batas na mag-o-obliga sa mga kainang mag-offer ng kalahating kanin — bagay na inihain noon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. habang senador pa.

"A national law is not needed to impose the serving of half rice in establishments," banggit ni KMP secretary general Ronnie Manalo sa isang pahayag, Biyernes.

"It is not in the psyche of Filipinos to  waste food, especially rice which is our main staple. In fact, majority are affected by the rising cost of rice. Dapat tingnan bakit may nasasayang habang marami ang walang makain."

Una nang sinabi ni PhiRice development communication division head Hazel Antonio na merong 46 local ordinances na nag-o-obliga sa mga food businesses na maglagay ng half cup ng kanina sa kanilang menu.

Gayunpaman, kinakailangan daw ng batas para maipatupad ang naturang polisiya sa buong Pilipinas.

Sa datos ng PhilRice, lumalabas na kayang makapagpakain ng 2.5 milyong Pilipino ang dalawang kutsara ng kanin na nasasayang ng bawat Pilipino araw-araw.

P100,000 multa vs lalabag?

Taong 2013 nang ihain ni Bongbong ang Senate Bill 1863 o "Anti-Rice Wastage Act of 2013," bagay na magpapataw ng P20,000 hanggang P100,000 multa sa mga establisyamentong bigong magbigay ng kalahating tasa ng kanin sa mga customer.

"Many Filipinos can't afford to eat rice for every meal. Walang nasasayang na kanin sa hapag ng mga magsasaka at manggagawa," ani Manalo, habang idinidiing out-of-touch ang naturang panukala, bagay na inilalapit ngayon kay Sen. Loren Legarda ni Antonio.

Hinihikayat din ngayon ng KMP ang Department of Agriculture at si Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. na solusyunan ang mataas na gastusin sa pagsasaka ng palay sa pamamagitan ng pagbaliktad ng liberalization policies sa agri sector.

Taong 2022 lang nang ipangako ni Marcos na maibaba niya ang presyo ng bigas patungong P20/kilo, bagay na imposible raw mangyari sabi ni Laurel.

BONGBONG MARCOS

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

FOOD

KILUSANG MAGBUBUKID NG PILIPINAS

RICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with