^

Bansa

VP Sara umayaw na sa confidential fund

Mer Layson, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
VP Sara umayaw na sa confidential fund
pagtulong sa ‘Yolanda’ence and resources that you brought with you were critical in our recovery,” idinagdag ng House Speaker. Si Tolentino ay special mention din ni Tacloban Mayor Alfred Romualdez na nagsabing napakalaking tulong ng ginawa niya sa lalawigan. “Senator Francis Tolentino, who was then MMDA [chairman], brought so much help to the City of Tacloban. We know that it was out of your jurisdiction and yet you went out of your way,” sabi ni Mayor Romualdez. Para kay Senador Tolentino, ang karanasan mula kay Yolanda ay isang paalala na bilang mga lingkod-bayan, tungkulin nating tiyakin na hindi na mauulit ang mga pagkawasak at pagkasawi noong panahong iyon. (Malou Escudero) Hinimok ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health and demography, ang mga Pilipino na maging mapagbantay sa harap ng ulat ng pagtaas ng kaso ng tigdas at rubella sa bansa. Sinabi ni Go na nangyari ito sa kabila ng nationwide child-focused immunization drive laban sa nasabing mga sakit. “Nais kong magpaalala sa inyong lahat na maging maingat sa gitna ng pag-usbong ng mga kaso ng tigdas at rubella dito sa bansa. Suportahan natin ang kasalukuyang programa para sa pagbabakuna at mahalaga pa rin na tayo’y mag-ingat at maging mapanuri,” ayon kay Go. Ang “Chikiting Ligtas” immunization program na pinangunahan ng Department of Health (DOH), ay layong Bong Go: Magbantay, kaso ng tigdas at rubella lumolobo pangalagaan ang kalusugan ng mga batang Pilipino. Isinagawa ito mula Mayo 2 hanggang Hunyo 14, at matagumpay na nabakunahan ang humigit-kumulang 84% ng mga bata laban sa tigdas at rubella. Ngunit sa kabila ng immunization drive, nakababahala ang pinakabagong surveillance report mula sa DOH, kung saan 1,823 kaso ng tigdas at rubella ang iniulat mula Enero 1 hanggang Oktubre 7. Samantala, tumaas din ang mga namatay dahil sa tigdas. Kaya naman hinimok ni Sen. Go ang mga magulang na tiyaking napapanahon ang bakuna ng kanilang mga anak at kumunsulta sa mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan para sa gabay sa mga iskedyul ng pagbabakuna. Apat na Filipino na marino ang nasugatan matapos tamaan ng missile ng Russia ang kanilang cargo ship na nasa Black Sea sa Ukraine. Kabilang sa mga nasugatan ang kapitan ng barko, able seaman, deck cadet at ang electrician ng barko. Ang apat ay nasa bridge umano ng barko gatang biktima ang nasabing pangyayari at ligtas na kapahamakan. Base sa ulat ng Ukraine’s Operational Command South, tinamaan ng missile ang cargo ship habang pumapasok sa Black Sea Port sa Odessa region. Ang nasabing barko ay magdadala umano ng iron ore sa China. (Gemma Garcia/Mer Layson) Pinuri at kinilala noong Miyerkules si Sen. Francis “Tol” Tolentino dahil sa kanyang walang pag-iimbot na paglilingkod sa pananalasa ng bagyong Yolanda noong 2013 noong siya ay nagsisilbing chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA). intel fund ang Pangulo at binibigyan lang siya ng intelligence information ng 16 na ahensiya. Tugon naman ni Finance Committee chairman Sonny Angara na nagdepensa sa budget ng OP, kailangan ng Pangulo ng mahahalaga at hindi filtered na impormasyon bilang commander-in-chief dahil gumagawa siya ng mga crucial na desisyon. Giit pa ni Angara, hindi naman humingi ang OP ng dagdag na Intel fund kundi tulad lang ng halaga na natanggap nila sa nakalipas na apat na taon at kailangan din i-report ang paggamit nito. Bandang huli ay inaprubahan din ang panukalang budget ng OP matapos ang wala pang isang oras na deliberasyon.
Gemma Garcia

MANILA, Philippines — Hindi na ipipilit pa ng Office of the Vice President (OVP) ang pagkakaroon o pag­hingi ng confidential funds para sa Office of the Vice President (OVP) at sa Department of Education (DepEd) para sa 2024.

Ito ang kinumpirma kahapon ni VP Sara sa isang pahayag na ipinaskil sa kanilang social media pages.

Ayon sa bise presidente, nagpapanukala lamang ang OVP ng budget upang suportahan ang ligtas na implementasyon ng kanilang mga programa, aktibidad at mga proyekto para sa mga mamamayan.

Gayunman, wala na aniya silang planong isulong pa ang paghingi ng confidential funds dahil sa nagdudulot na ang isyu nang pagkakawatak-watak, na taliwas sa kanyang sinumpaan na pananatilihin ang bansa na payapa at matatag.

“The Office of the Vice President can only propose a budget to support the safe implementation of our programs, activities, and projects to alleviate poverty and promote the general welfare of every Filipino family,” ani Duterte.

“Nonetheless, we will no longer pursue the Confidential Funds. Why? Because this issue is divisive, and as the Vice President, I swore an oath to keep the country peaceful and strong,” aniya pa.

Bukod naman sa OVP, hindi na rin umano isusulong ni VP Sara ang paghingi ng confidential fund para sa DepEd, na kanya ring pinamumunuan bilang kalihim nito.

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with