Russian missile tumama sa cargo ship: 4 Pinoy sugatan
MANILA, Philippines — Apat na Filipino na marino ang nasugatan matapos tamaan ng missile ng Russia ang kanilang cargo ship na nasa Black Sea sa Ukraine.
Kabilang sa mga nasugatan ang kapitan ng barko, able seaman, deck cadet at ang electrician ng barko.
Ang apat ay nasa bridge umano ng barko ng tamaan ng missile kung saan napilayan ng kaliwang kamay ang electrician.
Nauna nang kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na tatlong Pinoy ang nasugatan sa naturang insidente.
Kaagad umanong ipinagbigay alam sa kaanak ng mga nasugatang biktima ang nasabing pangyayari at ligtas na kapahamakan.
Base sa ulat ng Ukraine’s Operational Command South, tinamaan ng missile ang cargo ship habang pumapasok sa Black Sea Port sa Odessa region.
Ang nasabing barko ay magdadala umano ng iron ore sa China.
- Latest