^

Bansa

Inflation bumagal sa 4.9 porsyento- Diokno

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Inflation bumagal sa 4.9 porsyento- Diokno
Vendors attend to their customers as they sell vegetables at Paco Public Market in Manila on October 7, 2023.
STAR / Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Inihayag ng chief economic manager ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na ang mabilis at determinadong pagkilos ng gobyerno para labanan ang inflation ang resulta ng malaking pagbaba ng presyo ng mga bilihin na naitala noong Oktubre.

Pinuri ni Finance Secretary Benjamin E. Diokno ang 4.9 percent headline inflation na nairehistro noong nakaraang buwan, na itinatampok ang pagbaba ng average rates na nakita noong Setyembre at noong nakaraang taon.

Bumaba rin aniya ang October inflation rate sa 5.1% hanggang 5.9% na itinakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

“This positive deve­lopment is the result of the government’s decisive and timely actions in mitigating inflation, a testament to President Ferdinand R. Marcos, Jr.’s firm resolve to protect the purchasing power of Filipino families,” sabi ni Diokno.

Ang October inflation ay nagdala sa 10-buwan na average sa 6.4 porsyento, na lumapit sa tinatayang saklaw ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na 5-6 porsyento para sa buong 2023.

Gayunpaman, nanatili itong mas mataas kaysa sa target inflation ng gobyerno na 2 pors­yento hanggang apat na porsyento para sa taon.

Ang downtrend sa inflation ay dahil sa mas mabagal na pagtaas ng mga pagkain at non-alcoholic na inumin (7.0%) at mga restaurant at serbisyo sa tirahan (6.3%).

Noong Oktubre, ang tatlong pangunahing commodity groups na gumawa ng pinakamataas na kontribusyon sa pangkalahatang inflation ay pagkain at hindi alkohol na inumin, na may 2.6% mula sa kabuuang 4.9 %.

Sinundan ito ng mga restawran at serbisyo sa tirahan; at pabahay, tubig, kuryente, gas, at iba pang panggatong.

Samantala, ang non-food inflation ay patuloy na nasa target range ng gobyerno na 2% ­porsyento hanggang 4% dahil bumaba ito sa 3.4% mula sa 3.5% noong nakaraang buwan.

Ang pangunahing nag-ambag sa inflation na hindi pagkain ay ang mga serbisyo sa ­paghahatid ng pagkain at inumin, paupahang pabahay, personal na pangangalaga, gayundin ang transportasyon ng pasahero.

Ang National Capital Region (NCR) ay nakakita rin ng downtrend sa inflation sa 4.9 percent mula sa 6.1 percent noong Setyembre 2023.

Lahat ng rehiyon sa labas ng NCR ay nagtala rin ng mas mabagal na inflation rate, maliban sa Region VII (Central Visayas), na nag-post ng mas mataas na taunang pagtaas.

INFLATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with