NCR Mayors, Congressmen job performance inilabas ng RPMD

MANILA, Philippines — Inilabas ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang resulta ng indepen­dent at non-commissioned “Boses ng Bayan” third quarter survey, na gina­nap mula Setyembre 20-30, 2023, ukol sa “job performance ng mga mayor at congressmen.

Ang pag-aaral ay sumuri sa mga mayor base sa pitong mahalagang sukatan:paghahatid ng serbisyo, pamamahala sa pananalapi, pag-unlad pang-ekonomiya, pamumuno sa pamamahala, pagpreserba sa kapaligiran, mga programang panlipunan, at pakikisangkot ng komunidad.

Nanguna sina Quezon City Mayor Joy Belmonte (94.%) at Malabon City Mayor Jeannie Sandoval (93.1%); Navotas Mayor John Rey Tiangco (92.7%); Caloocan City Mayor Along Malapitan (92.5%); Pa­rañaque City Mayor Eric Olivarez (92.3%); Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano (92.1%); Pasig City Mayor Vico Sotto (90.4%); Manila City Mayor Honey Lacuna (89.7%); Makati City Mayor Abby Binay (89.5%).

Kasunod sina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos Sr. (87.9%); Muntinlupa City Mayor Ruffy ­Biazon (87.5%); Valenzuela City Mayor Wes Gatcha­lian (87.1%); Marikina City Mayor Marcy Teodoro (85.8%); Taguig City Mayor Lani Cayetano (85.5%); San Juan City Mayor Francis Zamora (81.3%); Pateros City Mayor Ike Ponce III (80.2%) at Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar (78.6%).

Sa mga congressmen ito ay sina Toby Tiangco (95.3%); Stella Quimbo, Ralph Tulfo, at Camille Villar na lumagpas sa 95%; Marivic Co-Pilar, Marvin Rillo, Patrick Michael Vargas, at Oca Malapitan, na may iskor sa pagitan ng 94.3% at 94.8%; Benny Abante ng Maynila (93.2%); Gus Tambun­ting, Tony Calixto, Franz Pumaren, at Arjo Atayde na nakakuha ng mga iskor na naglalaro mula 92.3% hanggang 93.1%.

Ang ikatlong grupo ay sina Dean Asistio, Romulo Roman, Boyet Gonzales III, at Bel Zamora, na bawat isa ay nakapagtala ng mga iskor mula 90.4% hanggang 91.2%; Edward Maceda, Jaime Fres­nedi, Pammy Zamora, at Kid Peña ay sa pagitan ng 88.0% at 88.5%; Edwin Olivarez, Ernix Dionisio,Joel Chua,Luis Campos, Irwin Tieng, at Eric Martinez, na may mga iskor sa ibabang 80s. Ang huli ay sina Rolan Valeriano, Mitzi Cajayon, Jaye Lacson-Noel, Maan Teodoro, at Ading Cruz, na nakakuha ng mga iskor sa pagitan ng 80.2% at 80.8%.

Show comments