MANILA, Philippines — Kung paniniwalaan ang Philippine Statistics Authority (PSA), bumagal sa 4.9% ang inflation rate nitong Oktubre 2023 dahil diumano sa pagbagal ng pagtaas ng presyo ng pagkain at hindi nakalalasing na inumin.
Ito ang ibinahagi ng PSA ngayong Martes matapos manggaling ng inflation rate sa 6.1% noong Setyembre, panahon kung kailan namromroblema ang marami sa mahal na presyo ng pagkain.
Related Stories
"This makes the national average inflation from January to October 2023 at 6.4 percent," wika ng PSA kanina sa isang pahayag.
"The downtrend in the overall inflation in October 2023 was primarily brought about by the slower year-on-year increase in the heavily-weighted food and non-alcoholic beverages at 7.0 percent in October 2023 from 9.7 percent in the previous month."
Bagama't bumagal nang husto ang inflation rate noong nakaraang buwan, kapansin-pansing lagpas pa rin ito sa 2% hanggang 4% na target ng gobyerno.
Una nang nakita ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magiging mas mababa pa sa 2% ang inflation pagsapit ng 2024.
Sa kabila nito, Oktubre lang nang sabihin ng survey ng BSP na itinataya ng private economists ang inflation forecasts sa 3.7% para sa 2024 at 3.4% para sa 2025.
Hinihingian pa naman ng Philstar.com ng pahayag ang economic think thank na IBON Foundation pagdating sa mga panibagong datos na inilabas ng gobyerno.
"The deceleration of food inflation in October 2023 was primarily influenced by the lower annual growth of vegetables, tubers, plantains, cooking bananas and pulses at 11.9 percent during the month from 29.6 percent in September 2023," paliwanag pa ng PSA.
"This was followed by rice with an inflation rate of 13.2 percent in October 2023 from 17.9 percent September 2023."
Nangyayari ang lahat ng ito kahit na hindi pa rin naisasakatuparan ang P20/kilong campaign promise ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bagay na kanyang binitbit noong kumakandidato pa ssa pagkapresidente noong 2022.
Setyembre lang nang simulan ng Department of Agriculture ang mas masinsinang pag-monitor sa presyo ng bilihin dahil sa inaasahang pagmamahal ng pagkain sa pagpasok ng Kapaskuhan.