^

Bansa

Cartographic sketch ng killer ng radio anchor inilabas ng PNP

Joy Cantos, Danilo Garcia, John Unson - Pilipino Star Ngayon
Cartographic sketch ng killer ng radio anchor inilabas ng PNP
Computerized facial composite sketch of one of the suspects in the killing of radio commentator Juan "Johnny Walker" Jumalon in Calamba, Misamis Occidental.
Photo courtesy of PNP Public Information Office. | via Manuel Tupas

MANILA, Philippines — Inilabas na ng Phi­lippine National Police (PNP) ang cartographic sketch ng isa sa mga salarin na responsable sa pamamaril at pagkakapatay sa radio anchor na si Juan Jumalon alyas “Johnny Walker” sa Calamba, Misamis Occidental kamakalawa.

Sa press briefing sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, sinabi ni PNP Chief P/Gen. Benjamin Acorda na ang suspek ay nagsilbing lookout ng gunman.

“May sinasabing based on the available CCTVs, based on the review, lumalabas da­lawa ‘yung suspect but ongoing pa ‘yung pagko-consolidate ng mga facts dun sa case,” pahayag ni Acorda  sa pagpatay kay Jumalon, 57.

Si Jumalon ay nagsasagawa ng live broadcast sa radio station 94.7 Calamba Gold FM sa kaniyang tahanan sa Brgy. Bernardo Neri nang pumasok ang gunman at pagbabarilin ito sa ulo bandang alas 5:30 ng umaga. Ang biktima ay idineklarang dead on arrival sa pagamutan.

Base sa report ng Mi­samis Occidental Police Provincial Police Office, ang nasabing suspect ay tinatayang nasa 40- anyos, katamtaman ang katawan at kayumanggi ang kutis.

Sinasabing dalawa sa mga suspek ay pumasok sa bahay ni Jumalon habang ang isa pa ay naghihintay sa labas sa tabi ng motorsiklong dala ng mga ito.

Ayon kay Acorda, binuo na ang Special Investigation Task Group sa kaso ng pagpatay kay Jumalon na pamumunuan ng Deputy Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 10.

Aminado naman si Acorda na na-shocked siya sa pagpatay sa biktima na parang manok lang na itinumba at lawlessness ang kasong ito. Sa kasalukuyan ayon kay Acorda ay nirerebyu na ang mga CCTVs. Hinikayat din ng opisyal ang mga media practitioners na makipag-ugnayan sa pulisya kung may natatanggap ang mga itong banta sa kanilang buhay.

Sa kasalukuyan, apat na anggulo ang sinisilip ng SITG sa motibo ng krimen na kinabibilangan ng personal na galit, may kinalaman sa trabaho, pulitika kaugnay ng katatapos na Barangay Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at alitan sa lupa.

Samantala, inatasan na ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa ng sarili nilang imbestigasyon sa naganap na malapitang pagpatay kay Jumalon.

Nakikipag-ugnayan na rin ang NBI sa Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) para sa palitan ng impormasyon.

CRIME

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with