^

Bansa

PCG bibili ng 5 barko sa Japan, gagamitin sa patrulya sa West Philippine Sea

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ng Philippine Coast Guard (PCG) na magkaroon ng lima pang malalaking barko na gawang Japan para mapalakas pa ang kapabilidad sa presensya at pagpapatrulya sa karagatang sakop ng “exclusive economic zone” ng Pilipinas.

Kabilang sa mga barkong nais ng PCG ay ang 97-meter multi-role response vessel tulad ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) at BRP Melchora Aquino (MRRV-9702).

Pinag-usapan ito na naganap na courtesy visit nina Japanese Prime Minister Fumio Kishida at Japan Coast Guard (JCG) Commandant, Admiral Shohei Ishii, sa PCG National Headquarters, Port Area, Manila, nitong nakalipas na Nobyembre 4.

Kasama sa naturang pulong sina Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, at PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil L Gavan.

Ayon kay Gavan, makakatulong ang mga karagdagang barko sa pagpapalawak ng mga operasyong ng PCG, kabilang ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea, pagsasagawa ng search and rescue mission, at pakikiisa sa humanitarian assistance at disaster response effort ng pamahalaan.

Sa ginanap na courtesy visit, pinag-usapan din ng mga opisyal ang regular na pagsasagawa ng Trilateral Maritime Exercises sa pagitan ng PCG, JCG, at U.S. Coast Guard upang lalong mapaigting ang kooperasyon at maingatan ang kapayapaan sa karagatan ng rehiyon.

Sinamantala rin ni Gavan ang pulong para pasalamatan ang gobyerno ng Japan na isa sa pinakaunang bansang tumulong sa Pilipinas, partikular sa oil spill response operation sa Naujan, Oriental Mindoro.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with