Destab plot vs Pangulong Marcos ugong lang - AFP

More than 2,000 members of Philippine and Australian defense forces and US marine corps aviation from marine rotational forces conduct military exercises as they participate in the first Indo-Pacific Endeavour 2023 amphibious operation at the Naval Station in San Antonio, Zambales on August 25, 2023.
STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Ugong-ugong lang umano ang isyu ng destabilisasyon laban sa admi­nistrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang nilinaw nitong Sabado ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa lumabas na ulat sa umano’y pagbubun­yag niya ng destabilization plot laban kay PBBM.

“It was taken out of context ano?…‘yung sinabi ko, i did not mention about destabilization plot no? kasi ‘pag sinabi natin plot parang plano na ito na ie-execute na lang, so ang sinabi ko during my statement was that, may mga naririnig tayong mga ugong-ugong na destabilisation efforts. ‘yun ‘yung specific word na sinbi ko. So I did not use the word plot,” paliwanag ni Brawner sa mediamen.

Base sa lumabas na ulat, ibinulgar umano ni Brawner sa pagdalo nito sa change of command ceremony sa AFP-Westmincom sa Zamboanga City nitong Biyernes na may mga retiradong heneral umano na kinukumbinse ang mga sundalo na pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Marcos.

Sa nasabing okasyon, sinabi ni Brawner na pinaalalahanan niya ang aktibong mga sundalo sa katimugang bahagi ng bansa na huwag pansinin ang nasabing imbitasyon sa destabilization efforts laban sa gobyerno.

“I was talking to our troops, ‘yung mga sundalo natin, mga sailors, mga airmen at ‘yung sinasabi ko roon sa statement ko was that, I was remin­ding them na dapat bilang mga sundalo, we should be, we should take our oath. ung oath na kinuha namin, ano, seriously. that we protect the constitution and the duly constituted authorities at hindi dapat kami sumasalo sa kahit anumang mga movements na mayroon diyan,” anang Chief of Staff.

Malaki anya ang respeto niya sa mga retiradong opisyal bagaman hindi naman niya ito nilalahat dahilan mangilan-ngilan lamang umano ang mga retiradong heneral.

Inihayag ni Brawner na ang destab efforts umano ay nagkaroon ng ugong -ugong noong Setyembre 21 rally.

“During that time may mag panawagan sa ating mga sundalo na sumama sa mga rallies na ito. So ‘yun po ‘yung konteksto ng sinabi ko kahapon na dapat ‘yung mga sundalo should not join these kind of activities like ‘yung mga rally natin… so it was as simple as that,” paliwanag pa ni Brawner.

Show comments