Tolentino sa mga bagong opisyal ng barangay: ‘Wag palitan ang BHWs
MANILA, Philippines — Pagkatapos ng halalang pambarangay, hiniling ni Senator Francis “Tol” Tolentino na kung maaari ay huwag palitan ang mga barangay health workers dahil sa lawak ng kanilang karanasan na mahirap matutunan sa madaling pahanon.
Sa kanyang TV program sa Net 25, nabanggit ni Sen. Tolentino na ang mga BHW ang mga bayani ng COVID-19 pandemic sa mahigit 2 taon, kaya ang kanilang karanasan ay mahirap mapantayan.
Kung sakaling papalitan sila, sinabi ng senador na dapat sana ay mas mahaba ang transition period at ang training na ibibigay sa mga bagong barangay health workers ay hindi basta-basta.
“Pero kung ako ang tatanungin kung maari ay i -retain sila bilang bahagi ng ating national health workers system,” sabi ni Tolentino.
Sa isang banda, sinabi ng mambabatas na ang pag-retain sa kanila ay magpapakita ng continuity sa health services at pag-aalok ng pagkakaisa sa buong barangay - isang uri ng liderato na kailangan sa panahong ito.
- Latest