PNP full alert status hanggang Nobyembre 29
MANILA, Philippines — Bagamat tapos na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) hindi pa rin natatapos ang trabaho ng Philippine National Police (PNP) na tututukan naman ang post-election activities.
Kaya ayon kay PNP-Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, naka-full alert status sila hanggang Nobyembre 29, ang pagtatapos ng election period.
Sinabi ni Fajardo na kasama sa kanilang binabantayan ay ang transportasyon ng election returns sa local, provincial hanggang sa national canvassing board ng Comelec para maiwasan ang ballot snatching.
Babantayan din ang bilangan ng boto na posibleng mauwi sa panggugulo ng mga kandidato na hindi tanggap ang kanilang pagkatalo.
Ani Fajardo, tututukan nila ang mga ito hanggang pormal nang makaupo ang mga nanalong kandidato.
Sisikapin ng PNP na maipatupad ang kaayusan at kapayapaan sa bansa hanggang sa pagtatapos ng election period sa November 29.
- Latest