MANILA, Philippines — Walang naitalang anumang major power interruptions ang Manila Electric Company (Meralco) sa katatapos na 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE).
Sa abiso ng Meralco, nabatid na maluwalhating nairaos ang halalan nitong Lunes nang walang naranasang biglaan o matagalang pagkawala ng suplay ng kuryente.
Anang Meralco, nakapagtala lamang sila ng mga minor na insidente ngunit isolated lamang ang mga ito.
Kaagad rin umanong naayos at nasolusyunan ng kanilang mga tauhan ang mga naturang insidente.
Una nang tiniyak ng Meralco na may sapat silang suplay ng kuryente para sa pagdaraos ng BSKE sa bansa.