MMA fighter mula Pakistan, wagi sa Philippine Grappling competition

Si Angher Ali (kanan) matapos ma­kakuha uli ng medalya sa 2023 ADCC Philippine International Open kamakailan.

MANILA, Philippines — Muling nakatuntong sa podium ang Pakistani mix martial artist (MMA) na si Asgher Ali Changezi matapos siyang sumabak at manalo sa 2023 ADCC Philippine International Open na sinalihan din ng iba’t ibang team ng mga mahuhusay na “grapplers” sa bansa na ginanap sa Ayala Malls Circuit sa Makati City.

Si Ali, isa sa mga pambatong fighter ng Leap Jiu Jitsu sa pamamahala ng kanyang mentor na si Prof. Enzo Joson ay sinabitan ng medalyang tanso sa grappling ng men’s adult intermediate-83 kg division sa Philippine Int’l Open ng ADCC Submission Fighting World Federation noong Oktubre 22, 2023.

Bukod sa medalyang naiuwi ni Ali, ipinagmalaki rin ng Leap Jiu-Jitsu ang pagkapanalo ng kanilang fighters sa hiwalay na kompetisyon sa Copa Dumau Cebu, Asia Pacific JJ Championships.

Kamakailan, limang medalya ang magka­ka­sunod na napanalunan ni Ali matapos ang laban nito sa Jui-Jitsu competition ng ASJJF-Manila International Open, Philippine International BJJ Open at National Jiu-Jitsu Championship 2023 ng AJP Tour Philippines.

Ayon kay Ali, dating grappling champ sa Pakistan, mas paghuhusayan pa niya ang pagsasanay upang makamit nito ang minimit­hing tagumpay sa larangan ng combat sports kasama ang magagaling na fighters sa Pilipinas.

Show comments