BSKE bets magsumite na ng SOCE - DILG

Commission on Elections (Comelec), government agencies, and concerned sectors hold a briefing and security command conference for the upcoming Barangay and SK elections (BSKE) at Camp Crame in Quezon City on August 22, 2023.
STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 na agad magsumite ng kanilang Statements of Election Contributions and Expenditures (SOCE) at huwag hintayin ang deadline.

Partikular na tinukoy ni Abalos ang mga kandidatong nanalo sa BSKE nitong Oktubre 30 na magsumite ng kanilang SOCE sa Commission on Elections (Comelec) para sa agarang proklamasyon.

Nakasaad sa Republic Act No. 7166 o ang Synchronized National and Local Elections and Electoral Reforms Act, walang mga halal na opisyal ang maaaring maupo nang hindi naghain ng kani-kanilang SOCE.

Ang mga kandidato ay dapat maghain ng kanilang SOCE sa Office of the Election Officer na kinauukulan bago ang Nobyembre 29, 2023, o hindi lalampas sa isang buwan pagkatapos ng araw ng halalan.

Pinaalalahanan din ng DILG ang mga mananalong kandidato na tiyaking lehitimo ang inventory report ng mga ari-arian ng mga barangay at nai-turn over sa kanila ng maayos.

Show comments