^

Bansa

BSKE, arangkada na ngayon!  

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
BSKE, arangkada na ngayon!   
Staff from the Quezon City Treasurer’s Office clean ballot boxes at the Quezon City Hall on October 17, 2023 in preparation for the October 30, 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Michael Varcas / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Arangkada na ngayong araw ang 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa bansa.

Inaasahang magdadagsaan ang mga botante sa mga paaralan at mga malls upang iboto ang mga napupusuan nilang kandidato.

Magsisimula ang botohan alas-7 ng umaga at magtatapos hanggang alas-3 ng hapon lamang.

Muling nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga botante at mga kandidato na tumalima sa mga panuntunang itinatakda ng poll body para sa eleksiyon.

Samantala, simula nitong Linggo ay nag-umpisa na rin ang pag-iral ng nationwide liquor ban sa bansa kaugnay pa rin ng naturang eleksiyon.

Magtatagal ang implementasyon nito hanggang sa mismong araw ng eleksiyon ngayong Lunes.

Mahigpit na ring ipinagbabawal ng Comelec ang pangangampanya ng mga kandidato simula nitong Linggo at ang sinumang lalabag dito ay binalaang mahaharap sa diskuwalipikasyon at pagkakulong.

Nabatid na 42,001 punong barangay at SK chairpersons ang nakatakdang iluklok sa puwesto ng mga botante.

Kabuuang 294,007 naman ang puwestong pinaglalabanan para sa barangay kagawad at 295,007 SK kagawad.

BSKE

BSKE 2023

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with