Libreng Sakay, ‘di tuloy sa Nobyembre - DOTr

Commuters line up for the "Libreng Sakay" bus in Metro Manila on March 6, 2023. All the mayors in Metro Manila and the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) have agreed to provide libreng sakay (free rides) for commuters who will be affected by the week-long jeepney strike.
The STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Malabo pang maibalik sa Nobyembre ang Libreng Sakay program ng pamahalaan.

Ayon kay Deparment of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, sa halip na libreng sakay, pinag-aaralan nilang mag-alok ng discount sa mga commuters dahil mas maraming tao ang mabebenepisyuhan nito.

Una nang napaulat na sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na posibleng maibalik na ang libreng sakay sa Nobyembre dahil mailalabas na ang pondo para dito.

Maaari anila itong magtagal hanggang sa Disyembre.

Matatandaang matapos ang dalawang taon, ang free ride service sa EDSA Carousel o Busway system ay nagtapos na noong Disyembre 31, 2022.

Sa ilalim ng programa, ang pamahalaan ay kumukuha ng serbisyo ng mga bus na siya namang magkakaloob ng libreng sakay.

Matagal nang hinihikayat ng mga commuters ang pamahalaan na ibalik na ang libreng sakay.

Show comments