^

Bansa

P12 milyong lotto prize ng winner na nasira tiket ibibigay na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P12 milyong lotto prize ng winner na nasira tiket ibibigay na
A lotto cashier serves bettors at a Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) outlet in Quezon City on September 28, 2023.
STAR/Cesar Ramirez

PCSO tatalima sa SC

MANILA, Philippines — Matapos ang siyam na taong paghihintay, mapapasakamay na ng isang lotto winner, na may nasirang lotto ticket, ang kanyang napanalunang P12 milyong jackpot prize sa Lotto 6/42 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito ay matapos tiyakin kahapon ni PCSO General Manager Melquiades Robles na tatalima ang kanilang tanggapan sa kautusan ng Korte Suprema na i-turn over na ang premyo ng naturang bettor.

Malugod ding tinanggap ni GM Robles ang lotto winner na bumisita sa kanyang tanggapan kahapon.

Siniguro rin ni Robles na kaagad nilang ibibigay ang premyong napanalunan niya sa sandaling matapos na ang documentary at iba pang proseso nito.

Nauna rito, naglabas ang SC ng 17-pahinang ruling na nag-aatas sa PCSO para i-release ang P12,391,600 napanalunan ng bettor.

Oktubre 2, 2014 nang tumaya ng tatlong lucky pick ang bettor sa Lotto 6/42 sa isang outlet sa Batangas.

Malaunan, nadiskubre niya na nagwagi siya, ngunit nilukot ng kanyang apo ang kanyang winning ticket.

Dahil dito, plinantsa ng anak niya ang ticket, sanhi upang ma-damage ito at mabura ang ilang detalye.

Nagtungo ito sa PCSO at gumawa ng handwritten account ng insidente, ngunit sinabihan sya ng PCSO na hindi niya maaaring ma-claim ang premyo dahilan para idulog niya ito sa SC.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with