Mga kandidato sa BSKE sa Abra, nag-aatrasan
MANILA, Philippines — Nakatakdang magtungo sa Abra ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) para siyasatin ang pag-aatrasan ng daan-daang kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, nakatakdang magtungo sa lalawigan sina Executive Director Teofisto Elnas Jr. at Deputy Executive Director for Operations Rafael Olaño upang alamin ang sitwasyon doon at pag-atrasan ng mga kandidato na nasa 250 na.
Ayon kay Garcia, nais nilang malaman kung ano ang tunay na nangyayari sa Abra, makaraang may ulat na makarating sa kanila na ang pag-aatrasan ay dahil sa pakiusap ng kanilang mga nakatatanda o elders.
Sa ulat ng PNP-Cordillera Administrative Region, kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr., wala naman umanong pananakot na nagaganap.
Matatandaang noong Oktubre 18, nakatanggap na rin ng ulat ang Comelec na isang kandidato sa pagka-barangay councilor sa Bucay, Abra ang namatay dahil sa pamamaril.
- Latest