Pagbibigay ng fuel subsidy pinabilis ni Pangulong Marcos sa 1 buwan
MANILA, Philippines — Ginawa ng simple ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng fuel subsidy o ayuda sa mga nasa sektor ng transportasyon na apektado ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Energy Secretary Rapahel Lotilla, sa halip na tatlong buwan, nais ni Pangulong Marcos na gawing isang buwan na lamang ang probisyon sa fuel subsidy.
Sa kasalukuyan, kailangan munang hintayin ng pamahalaan na umabot sa US$80 per barrel ang presyo ng petrolyo sa world market sa loob ng tatlong buwan bago magbigay ng ayuda.
Sabi ni Lotilla, isa lamang ito sa mga hakbang na ipatutupad ni Pangulong Marcos para matulungan ang mga nasa transport sector.
Ginawa ng Pangulo ang utos matapos ang sectoral meeting sa Malakanyang kung saan ipinatawag ang mga opisyal ng DOTr, DTI, DBM, DA, NEDA at DICT.
Pero nilinaw ng kalihim na hindi ito nangangahulugan na buwan-buwang may fuel subsidy sa tuwing aabot sa U$80 per barrel ang langis.
Sinemplehan na rin aniya ang listahan ng mga benepisyaryo. Ang DOTr na ang magko-consolidate ng listahan ng mga benepisyaryo.
- Latest