‘Violations’ ng Grab Philippines, isinumite na sa House

Mismong si Committee Chairman at Manila 2nd District Cong. Rolando Valeriano ang nagsumite ng report nito kay House Speaker Martin Romualdez kung saan kanyang tinukoy ang umano’y mga violations at hindi pa nababayarang multi-million peso na penalties sa gobyerno ng nasabing ride-hailing firm na Grab.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tinapos na ng Congressional Committee on Metro Manila Development ang imbestigasyon nito kaugnay sa mga reklamo laban sa Grab Philippines.

Mismong si Committee Chairman at Manila 2nd District Cong. Rolando Valeriano ang nagsumite ng report nito kay House Speaker Martin Romualdez kung saan kanyang tinukoy ang umano’y mga violations at hindi pa nababayarang multi-million peso na penalties sa gobyerno ng nasabing ride-hailing firm na Grab.

Kabilang sa mga umano’y violation ay ang backdoor entry nito ng pumasok siya sa motorcycle taxi noong nakaraang taon matapos bilhin ang Move It.

Ang Move It ay kasama sa mga nabigyan ng pagkakataon para sa pilot study ng Department of Transportation kaugnay ng viability operation ng mga motorcycle taxi sa bansa noong 2019.

Sa pilot study para sa mga motorcycle taxi, tanging ang Joy Ride, Angkas at Move It lamang ang binigyan ng Provisional Authority para makapag-operate.

Ngunit natuklasan ni Cong. Valeriano na ibinenta umano ng Move It sa Grab ang kanyang Provisional Authority bagay na isang paglabag sa batas.

Show comments