^

Bansa

ACT Teachers solon inireklamo Duterte sa korte dahil sa 'death threat'

James Relativo - Philstar.com
ACT Teachers solon inireklamo Duterte sa korte dahil sa 'death threat'
Kuha kay ACT Teachers party-list Rep. France Castro, ika-24 ng Oktubre, 2023, matapos maghain ng reklamo laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte bunsod ng "grave threats."
Released/Bayan Muna party-list

MANILA, Philippines — Inireklamo ni ACT Teachers Rep. France Castro sa Quezon City Prosecutor's Office si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos diumano pagbantaan ng ex-president ang kanyang buhay sa programa ng SMNI.

Martes nang ihain ng progresibong mambabatas kasama ng mga abogadong sina Tony La Viña, Rico Domingo, atbp. ang reklamong paglabag diumano ni Digong sa Article 282 of the Revised Penal Code.

"Kailangan niyang [Duterte] harapin ang accountability sa matinding pagbabanta sa aking buhay," wika ni Castro sa isang press conference.

 

 

Ika-10 ng Oktubre kasi nang kapanayamin ng SMNI, na pagmamay-ari ng FBI wanted na si Apollo Quiboloy, si Duterte tungkol sa pambubusisi ni Castro sa kontrobersyal na confidential funds ni Bise Presidente Sara Duterte. Anak ni Digong ang huli.

Sinasabing nagmula ang death threats ni Digong rito habang binabanatan ang Makabayan bloc lawmaker kaugnay ng isyu. Aniya, si Castro raw ang magiging "unang target" ng confidential funds ni VP Sara. Burado na ang video.

 

 

Ngayong buwan lang nang gawing "zero" ng komite sa Kamara ang confidential funds ng Office of the Vice President, Department of Education atbp. sa 2024. Karaniwan itong ginagamit para sa surveillance.

Una nang naibalitang naubos ni VP Duterte ang kanyang confidential funds sa loob ng 11-19 araw lang noong 2022, bagay na kinastigo nang marami lalo na't hindi madetalye ng ikalawang pangulo kung saan ito ginasta.

Bagama't dati nang nagpapakawala ng mga kontrobersyal at mararahas na pahayag si Duterte, hindi siya makasu-kasuhan dahil sa konsepto ng "presidential immunity."

“Duterte got away from many things because he had immunity,” ani La Viña sa naturang press conference.

"For the first time, we are holding him accountable in a Philippine court."

'Hanggang 6 buwan na kulong, multa'

Kung mapapatunayang nilabag ni Digong ang Article 282 ng Revised Penal Code, na tumutukoy sa "grave threats," maaaring makulong ng isa hanggang anim na buwan ang dating presidente.

Bukod pa ito sa multa, bagay na dedepende sa magiging desisyon ng korte.

Paliwanag ni La Viña, maaaring tumaas ng isang degree ang parusa sa dating pangulo lalo na't sakop daw ito ng Cybercrime Prevention Act.

Suportado ng human rights group

Ibinato naman ng grupong Karapatan ang buong-buo nilang suporta sa paghahain ng reklamo ni Castro ngayong araw.

"The fact that Duterte and his ilk have the gall to declare open season against their perceived enemies shows that they are able to hide behind the same climate of impunity that shielded them when Duterte was president," ani Karapatan secretary general Cristina Palabay kanina.

"This has to stop."

Bukod pa rito, humaharap din sa imbestigasyon ng International Criminal Court si Duterte para sa mahigit 6,000 hanggang 30,000 napatay sa kanyang madugong giyera kontra-droga.

Ilan sa mga napatay sa naturang kampanya ay napatunayang inosente at tinaniman ng ebidensya, ayon sa korte. — may mga ulat mula kina Ian Laqui at Gaea Katreena Cabico

ACT TEACHERS PARTY-LIST

CONFIDENTIAL FUNDS

DEATH THREAT

RODRIGO DUTERTE

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with