MANILA, Philippines – Ang digital money transfers ay mahalagang bahagi na ngayon ng ating mga pang-araw-araw na transaksiyon.
Gayunman ay lumikha ang mga scammer, fraudster at cybercriminal ng iba’t ibang istratehiya upang pagsamantalahan ang mga user at ang cashless economy.
Bukod sa paggamit ng top-notch cybersecurity systems, ang GCash ay nagdagdag ng isa pang layer ng proteksiyon, sa pagpapakilala sa “Send Money Protect” (SMP) sa in-app feature nito, ang GInsure. Ang SMP ay nagkakaloob sa mga user ng kumpiyansa at kapayapaan ng isipan kapag nagpapadala ng pera digitally para sa halagang P30 lamang kada buwan.
Ang SMP ay nagkakaloob sa mga user ng komprehensibong proteksiyon mula sa pinaka-karaniwang scams, kabilang ang online shopping fraud, account takeovers at social engineering, para sa kanilang mga transaksiyon na isinasagawa via “Express Send” sa app. Ang SMP, inialok sa pakikipagtulungan sa Chubb, ang pinakamalaking publicly traded property at casualty insurance company sa bansa, ay maaaring i-avail isang beses tuwing 30 araw.
Lumitaw sa mga pag-aaral na 45% ng Filipino adults ang tinarget ng scams, kung saan 11% ang nabiktima. Nagresulta ito sa pag-aalinlangan sa digital payment methods sa ilang users, na naging hadlang sa nakamit nang milestones tungo sa financial inclusion.
“We at GCash believe in building partnerships that amplify the value we provide to our users. That's why we've teamed up with Chubb, a global insurance leader and our partner in consumer protection, to bring you an added layer of protection. This collaboration ensures that you have added financial protection from the unexpected when transacting online, giving you the confidence that your hard-earned money is in safe hands,” wika ni GCash vice president for New Businesses Winsley Bangit.
Binigyang-diin din ni Chubb Philippines’ Country President Mari Rachelle Canta na, “Our partnership with GCash further strengthens our mission to serve millions of customers by providing a safety net through embedding insurance in everyday transactions. Now, GCash users have enhanced protection from cybercrimes with "Send Money Protect.”
Ang partnership sa pagitan ng GCash at ng consumer insurance partner nito na Chubb, ay sinelyuhan sa pamamagitan ng ceremonial MOA signing na idinaos noong September 13. Ang signatories ay kinabibilangan nina (mula sa GCash): VP for New Businesses, Winsley Bangit and GInsure Head, Joseph Nino Young; at mula sa Chubb sa Pilipinas: Country President, Mari Rachelle Canta and VP & Head of Consumer Lines, Maurice Hilario.
Layon ng serbisyo na mapataas ang kumpiyansa ng mga user sa pagiging bahagi ng isang financially inclusive cashless ecosystem na ligtas mula sa scammers, fraudsters, at cybercriminals.
Bagama’t kasalukuyan itong nasa beta version nito at sa ngayon ay available exclusively sa GCash at Chubb employees, inanunsiyo ng GCash ang full rollout nito sa November 13. Ang milestone product na ito ay malapit nang maging available sa lahat para sa mas ligtas at worry-free online transaction experience.