OFWs pinaiiwas sa Israel-Palestine protests sa Egypt, Lebanon

Sixteen overseas Filipino workers, mostly caregivers, arrive from Israel at the Ninoy Aquino International Airport.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng iba’t ibang embahada sa Middle East ang mga Filipino doon na umiwas sa mga pampublikong pagtitipon at protesta na may kaugnayan pa rin sa gulo sa pagitan ng Israel at militanteng Palestinians.

Sa inilabas na abiso ng Philippine embassy sa Egypt at Lebanon, ito ay para sa kaligtasan na rin ng mga Pinoy doon matapos na umakyat ang bilang ng mga nasawi sa Israel.

Ang mga embahada ng Egypt at Lebanon ay malapit sa mga bansang Israel at Palestine.

Sa abiso pa ng embahada sa Egpyt, pinaiiwas ang Pinoy dahil mayroon na umanong pagmamartsa at protesta sa Egypt.

Habang pinag-iingat din ng Philippine Embassy sa Cairo ang lahat ng Pinoy doon at iwasan ang mga mass congregations at manatili na lamang sa kanilang mga tahanan

Nabatid na ang Egypt ay nakikihati ng border sa Palestine na ilegal nilang inookopahan at ngayon ay binobomba ng Israel sa pamamagitan ng airstrikes.

Naglabas din ng kahalintulad na advisory ang Philippine embassy sa Beirut na umiwas sa mga ongoing mass protests ang mga Filipino doon sa gitna na rin ng patuloy na umiinit sa tensyon sa southern border na umano’y nagbaban­ta sa seguridad at kaligtasan ng mga sibilyan.

Pinaiiwas din ng embahada ang mga Filipino na magbiyahe sa paligid ng Lebanon lalo na sa south kung hindi kinakailangan.

Show comments