^

Bansa

Bulkang Mayon, nagbuga ng lava

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bulkang Mayon, nagbuga ng lava
Mount Mayon spews lava during an eruption near Legazpi city in Albay province, south of Manila on June 11, 2023.
AFP / Charism Sayat

MANILA, Philippines — Dalawang maikling pagsabog ng lava na sinundan ng seismic at infrasound signals ang naobserbahan sa Mayon volcano sa nakalipas na 24 oras.

Sa bulletin na ipinalabas ng Phivolcs nitong Sabado, ang pagsabog ng lava ay naitala alas-6:36 ng gabi noong Oktubre 20 at 12:06 naman ng madaling araw nitong Oktubre 21.

Ayon sa Phivolcs, ang seismic activity ng bulkan ay tumaas rin mula sa siyam na volcanic earthquakes noong Oktubre 20 at 31 pang pagyanig kabilang ang 23 tremor events na tumatagal ng isa hanggang 52 minuto naman ng sumunod na araw.

Iniulat rin ng Phivolcs na isang Pyroclastic Density Current (PDC) at 87 rockfalls ang nairekord sa monitoring sa nasabing bulkan.

Dahil sa abnormalidad ng bulkan ay posible pa rin ang mapanganib nitong pagsabog sa mga susunod na araw o linggo.

Sa kasalukuyan ang Mayon ay nasa Alert level 3 na nangangahulugan na mataas pa rin ang pag-aalboroto nito.

Nagbabala rin ang Phivolcs sa mamamayan hinggil sa panganib na maaring idulot ng pag-aalboroto ng bulkan tulad ng PDCs, pagdaloy ng lava, rockfalls, at maging ang pagbubuga ng nagbabagang putik mula sa bunganga ng bulkan.

VOLCANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with