OWWA umaasang buhay pa 2 missing Pinoy sa Israel
MANILA, Philippines — Umaasa pa rin ng himala ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kahit na hindi pa nakikita ang 2 Filipino na nawawala sa gitna ng giyera sa pagitan ng Israel at militanteng Hamas.
Sinabi ni OWWA administrator Arnell Ignacio sa panayam sa Teleradyo Serbisyo na sa kasalukuyan ay wala pang updates sa kinaroroonan ng nawawalang mga Pinoy.
Ayon pa kay Ignacio na lumipad ang ilang opisyal nila kasama ang pamilya ng isa sa nawawalang Pinoy dito sa Maynila para mamonitor ang developments sa kaso.
Umaasa at nanalangin naman umano ng himala ang administrator para mahanap ang dalawa pa.
HIndi naman nagbigay pa ng ibang detalye si Ignacio bagama’t siniguro nito na ang OWWA pa rin ang nangangasiwa sa naturang kaso.
Samantala, bibigyan na rin umano ng ayuda ang pamilya ng apat na OFWs na napatay sa armed conflict sa naturang bansa.
Magbibigay ang OWWA ng P50,000 bilang assistance habang ang Department of Migrant Workers (DMW) ay magbibigay din ng P50,000.
Patuloy na rin pinoproseso ng mga otoridad ang repatriations ng labi ng mga napatay na Pinoy sa Israel.
- Latest