MANILA, Philippines — Nagpahayag ng interes na maglagak sa Maharlika Investment Fund (IMF) ang dalawang financial institutions sa Saudi Arabia.
Sa roundtable discussion nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at mga negosyante sa Saudi Arabia, sinabi ni Mulhan Albakree, Executive General Manager ng Public Investment Fund of the Kingdom of Saudi Arabia na interesado ang kanilang hanay sa MIF.
Bukod kay Albakree, interesado rin sa MIF si Bandar Al Hamali ang chief executive officer ng Jada na isa sa pinakamalaking investment companies, sa Saudi Arabia.
Sinabi naman ni Saudi Ministry of Investment Minister Khalid Al-Falih na handa ang mga investor na malaman ang lagay ng finances ng Pilpinas lalot ito ang may pinaka-exciting na market sa Association of Southeast Asian Nations.
“We want to connect you to key Saudi investors with impressive success stories to share and with the desire to continue building with international presence by investing with partners across the globe, the Philippines being a key one,” sabi pa ni Al-Falih.
Saludo rin si Al-Falih sa Pilipinas dahil sa pagpupursige nito na maging cashless society sa taong 2030.