MANILA, Philippines — Nagsisimula nang lumamig ang simoy ng hangin sa Pilipinas bunga ng pagsisimula ng pag-iral ng Hanging Amihan, bagay na karaniwang nagsisimula bago ang Kapaskuhan.
Ito ang ibinalita ng PAGASA ngayong Biyernes habang naoobserbahan ang malalakas na northeasterly winds sa Hilagang Luzon buhay ng paglakas ng high-pressure system sa Siberia.
Related Stories
"Moreover, gradual cooling of the surface air temperature over the northeastern part of Luzon and increasing mean sea level pressure have been observed," ani Nathaniel Servando, officer-in-charge ng state weather bureau.
"These meteorological patterns indicate the onset of the Northeast Monsoon (Amihan) season in the country."
Dahil dito, inaasahan na maging mas dominante ang northeasterly wind flow sa bansa, bagay na magdadala ng malamig at tuyong hangin.
Gayunpaman, patataasin pa rin ng umiiral na El Niño ang tiyansa ng "below-normal" rainfall o mas tuyong panahon, bagay na maaaring magdala ng tagtuyot sa ilang bahagi ng bansa.
Dahil dito, maaaring maapektuhan ang ilang climate-sensitive sectors gaya ng suplay ng tubig, agrikultura, enerhiya, kalusugan, public safety atbp.
"PAGASA will continue to monitor the country's weather and climatic conditions. Meanwhile, the public and all concerned agencies are advised to regularly monitor relevant PAGASA information," dagdag pa ni Servando.