MANILA, Philippines — Hinatulan ng anti-graft court ngayong Biyernes ang negosyanteng si Janet Jim-Napoles ng karagdagang 64 taon sa kulungan matapos mapatunayang nagkasala sa isa na namang "pork barrel scam" case.
Na-convict kasi ulit si Napoles para sa apat na counts ng "graft" at "malversation of public funds" kaugnay ng hindi otorisadong disbursement ng P20 milyon mula sa Priority Development Assistance Fund ni dating South Cotabato Rep. Arthur Pingoy.
Related Stories
Papatawan ng 40 taong pagkakakulong si Napoles para sa malversation of public funds at 24 taon pa para sa graft dahil sa 3-2 boto ng Sandiganbayan second vision. Kapag pinagsama, aabot ito sa 64 taon.
Maliban sa kanya, napatunayang nagkasala rin ang mga sumusunod na dating opisyales ng National Agribusiness Corp. (Nabcor):
- Rhodora Mendoza
- Maria Ninez Guanizo
- Victor Roman Cacal
Guilty rin si Evelyn De Leon ng Philippine Social Development Foundation Inc.
Bukod sa pagkakakulong, inutusan din sina Napoles at mga kasama sa graft conviction na ibalik ang nasa P20.9 milyon, halagang sinasabing "wrongfully and illegally disbused."
Maliban dito, kinakailangan din nilang mabayaran ang P20.9 milyon pa sa gobyerno.
Una nang naabswelto ng anti-graft court si Pinoy matapos bigong mapatunayan ng prosekusyon ang kanyang "guilt beyond reasonable doubt."
Kampo ni Napoles iaapela desisyon
Sa panayam ng GMA News Online, sinabi ng abogado ni Napoles na iaapela nila ang desisyon ng korte.
"We will file a motion for reconsideration," wika ni Rony Garay kanina.
"No public official was convicted, and yet this crime is committed with a public official."
Ngayong Oktubre 2023 lang nang mapatunayan ng Sandiganbayan na nagkasala si Napoles para sa siyam na counts ng "corrupting a public official" matapos tumanggap ng kickback mula sa dating mambabatas na si Edgar Valdez.
Matatandaang idineklarang labag sa 1987 Constitution ng Korte Suprema ang PDAF noong Nobyembre 2013. — may mga ulat mula kay Ian Laqui