MANILA, Philippines — Tinamaan ng malakas na magnitude 5.9 na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao ngayong Biyernes ng madaling araw, bagay na posibleng magdulot ng pinsala at mga susunod na aftershock.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol 35 kilometro timogsilangan ng New Bataan, Davao de Oro bandang 2:58 a.m. ngayong araw. Sinasabing "tectonic" ang pinagmulan nito.
Una itong naiulat bilang 6.2 magnitude ang lindol ngunit ibinaba rin kalaunan ng state seismologists.
#EarthquakePH #EarthquakeDavaoDeOro#iFelt_DavaoDeOroEarthquake
— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) October 19, 2023
Earthquake Information No.2
Date and Time: 20 October 2023 - 02:58 AM
Magnitude = 5.9
Depth = 013 km
Location = 07.35°N, 126.38°E - 035 km S 51° E of New Bataan (Davao De Oro)https://t.co/eqWXbczWD1 pic.twitter.com/7vmrVoP5bd
Intensity V (strong)
- Caraga, DAVAO ORIENTAL
- New Bataan, Maragusan, at Pantukan, DAVAO DE ORO
Intensity IV (moderately strong)
- Nabunturan, Compostela, Monkayo, Mawab, Montevista, Laak, Mabini, at Maco, DAVAO DE ORO
Intensity III (weak)
- CITY OF DAVAO
- City of Tagum, DAVAO DEL NORTE
Intensity I (scarcely perceptible)
- City of Bislig at City of Tandag, SURIGAO DEL SUR
Ayon sa Phivolcs, parehong inaasahan ang pinsala at masundan ng "aftershocks" o mas mahihinang pagyanig ang naturang lindol.
Makikita sa mga litrato at videos ng Facebook users na sina Maria Socorro Ando Ocay at Jirreed Rian Lupas Capitan kung paano nagkabasag-basag ang ilang kagamitan bunsod ng lindol. Napilitan ding mag-evacuate ng mga empleyado sa isang kumpanya.
Sinuspindi naman na ni Davao de Oro Gov. Dorothy Gonzaga ang face-to-face classes sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan kaugnay ng insidente at ilang aftershocks.
"[F]ace to face classes in both public and private schools at all levels are hereby suspended pending structural integrity assessments by their respective [local government units]," ani Gonzaga kanina.
"Other government agencies within the Province of Davao de oro must ensure safety of your personnel and are also encouraged to conduct structural integrity assessment in coordination with your respective LGUs."
Epektibo ang naturang kautusan mula ngayon hanggang bawiin ng mga LGUs matapos ang mga kinakailangang pagtatasa.
Hinihingian pa ng Philstar.com ng pahayag ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung may naitala nang patay, sugatan, nawawala at kung magkano na ang napinsala ng lindol ngunit hindi pa tumutugon sa ngayon.