Food stamp ng DSWD, full blast sa Disyembre

“Right now, we are doing the pilot implementation. Three thousand families sa loob ng limang pilot sites ang ating target, and we will go full blast sa pilot implementation come December,” sabi ni  DSWD Undersecretary for Innovations Eduardo Punay.
FREEMAN / File

MANILA, Philippines — Magsasagawa na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng full-scale pilot implementation ng WALANG GUTOM 2027: Food Stamp Program (FSP) sa Disyembre ngayong taon.

“Right now, we are doing the pilot implementation. Three thousand families sa loob ng limang pilot sites ang ating target, and we will go full blast sa pilot implementation come December,” sabi ni  DSWD Undersecretary for Innovations Eduardo Punay.

Anya, dahil sa naipalabas na executive order no. 44 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagpapatupad sa naturang programa ay tiyak na may magagamit na pondo upang mapagkalooban ng sapat na pagkain ang mahihirap na pamilya sa susunod na taon.

Ang FSP ay nagkakaloob ng food augmentation para sa mahihirap na pamilyang Pilipino kasama na ang mga buntis at nursing mothers.

Upang maging FSP beneficiaries ay kailangang makiisa ito sa buwanang Nutrition Education Sessions para makatanggap ng kanilang monthly food credit na P3,000.

Show comments