MANILA, Philippines — Pansamantalang ini-offline ang website ng Kamara matapos muli itong tangkaing pasukin ng mga hackers.
Sa press conference, sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco, mayroong mga na-detect na kahina-hinala at hindi pangkaraniwang aktibidad na ngayon ay kasalukuyan na nilang sinusuri.
“We regret to inform the public that the official website of the House of Representatives has been voluntarily taken offline once again. Despite our recent security enhancements, we have detected suspicious and unusual activities that necessitate further scrutiny,” pahayag ni Velasco.
Ayon kay Velasco, inalis muna pansamantala sa online ang kanilang website bilang pag-iingat at upang ma-double check ang mga hakbang at mas palakasin pa ang nakalatag na cybersecurity measure.
“Our primary concern is to guarantee the safety, integrity, and reliability of our digital platform for the citizens we serve,” saad pa ni Velasco.
Kaugnay nito, muli namang umapela ang opisyal sa pang-unawa at pasensya sa publiko.
Matatandaang na-hack ang website ng Kamara matapos nitong inanunsyo na aalisan ng confidential fund ang mga civilian agency at ililipat sa mga ahensya na may kinalaman o mandato sa pambansang seguridad partikular na sa pagbabantay sa West Philippine Sea.