^

Bansa

Mayor Joy nagpasalamat na ibinalik sa serbisyo ang sinibak na pulis- Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mayor Joy nagpasalamat na ibinalik sa serbisyo ang sinibak na pulis- Quezon City
Quezon City Mayor Joy Belmonte
QC Mayor Joy Belmonte / Facebook Page

MANILA, Philippines — Pinasalamatan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si QCPD director Red Maranan sa pagbabalik sa puwesto ng isang pulis-QC na tinanggal sa trabaho dahil sa dinulot na traffic nang pahintuin ang mga motorista sa Commonwealth Avenue dahil sa dadaan umanong “VIP”.

Ang pagbalik sa serbisyo ni Executive Master Sergeant Verdo Pantollano na nadamay sa isyu ng pinatigil na daloy ng trapiko ay hini­ling ni Mayor Belmonte kay Maranan.

“Last October 9, I strongly urged Gen. Maranan to reinstate relieved cop Pantollano following the clarification made by MMDA Chairman Rolando Artes that interrupting traffic flow as a courtesy to VIPs is normal practice. I felt that an injustice was committed against Pantollano  when he was relieved for simply doing his job,” sabi ni Belmonte.

“Tulad ng aking nabanggit, hindi dapat na ang maliliit na tao ang napagbibintangan at sumasalo ng galit. Siya ay sumusunod lang naman sa utos,” dagdag ni Mayor Belmonte.

Anya, patuloy na isinusulong sa QC ang isang patas at tamang hustisya at tiniyak na walang sinuman ang mapaparusahan kung wala naman itong kasalanan.

Ang insidente ay una nang nangyari sa isang enforcer ng MMDA pero hindi naman naparusahan dahil tumutupad lamang umano ito sa kanyang tungkulin.

MMDA

QCPD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with